-- Advertisements --

BUTUAN CITY – Patuloy pang inimbestigahan ng Butuan City Police Station-4 ang naganap na pagnanakaw sa iilang mga billeting quarters sa may Ampayon Central Elementary School nitong lungsod ng Butuan sanhi ng pagkawala ng kanilang bag, cell phones at pera.

Napg-alamang dakong alas-dos pa lang ng madaling araw ay nabulabog na ang iilan sa mga delegado ng 2024 Regional Skills and Academic Development Competition dahil sa pagkawala ng kanilang mga gamit.

Ayon sa amang si Novero Sendrejas na nag-i-escort sa kanyang anak na delegado ng Tandag City, nagising na lamang sila nang sumigaw na ang kanilang kasamahan sa quarter dahil nawala ang kanyang bag kungsaan niya nilagay ang kanyang tatlong cell phones at 10-libong pisong cash.

Habang sila naman ng kanyang anak ay nawalan ng tig-iisang cell phone nanailagyan nila ng 4-na libong piso.

Habang iilan naman sa kabilang kwarter ay nawalan din ng cell phones at pera.