-- Advertisements --

Nagbitiw sa kaniyang puwesto ang hepe ng Philippine National Police-Highway Patrol Group (PNP-HPG) matapos na ireklamo ito ng kasong panggagahasa sa National Police Commission (NAPOLCOM).

Ayon kay Brig. Gen. Jessie B. Tamayao na ang pagbibitiw sa puwesto ay hindi pagtanggap na ito ay guilty at sa halip ay para bigyang daan ang impartial na imbestigasyon.

Tiniyak niya na kaniyang lilinisin ang pangalan at itinanggi ang nasabing alegasyon.

Naniniwala ito na maaring ginantihan lamang siya dahil sa pagtupad ng tapat sa kaniyang trabaho.

Magugunitang inireklamo si Tamayao ng kasong panggahasa ng isang dating babaeng HPG police officer.

Base sa reklamo na inaya umano ni Tamayao ang biktima na makipagtalik habang hinahawakan ang mga maseselang bahagi ng kaniyang katawan.