Humingi ng patawad ang chairman ng House Committee on Good Government and Public Accountability kay Pangulong Rodrigo Duterte hinggil sa kanilang pagdinig ukol sa umano’y condonation ng Development Bank of the Philippines sa loans ng mga kompanya o alliated sa pamilya Lopez.
Sa kanyang opening remarks, nilinaw ng charimang ng komite na si DIWA party-list Rep. Michael Aglipay na hind pa nila winawakasan ang naturang imbestigasyon kundi nasuspinde lamang ito kamakailan.
“Mr. President, I am sincerely sorry and may I humbly request for your forgiveness for the inconvenience that we may have caused you by reasons of these hearings,” ani Aglipay.
Iginiit nito na hindi intensyon ng kanyang komite na ihinto ang aniya’y mahalagang usapin na ito.
Sa kanyang public address noong Pebrero 8, muling binatikos ni Duterte ang pamilya Lopez.
Sinabi niyang hindi niya papayagan ang ABS-CBN na makapag-operate ulit kahit pa sila ay mabigyan ng panibagong prangkisa.
Pinatutsadahan din niya ang pamilya Lopez dahil sa hindi umano pagbayad ng mga ito ng ilang bilyong pisong loan sa DBP at tinawag pa itong “write-off.”