-- Advertisements --

Tinitignan na ngayon ng Criminal Investigation and Detection Group ang posibilidad ng homicide at paglabag sa anti-hazing law sa pagkasawi ng dalawang student athlete mula sa Ateneo de Manila University.

Ayon kay CIDG Director Police Maj. Gen. Robert Morico II, na ito ngayon ang tinutumbok ng kanilang imbestigasyon.

Patuloy din ang ginagawa nilang ugnayan sa mga ahensiya na inatasan din na mag-imbestiga sa inisidente.

Magugunitang nasawi sina Rene Baterbonia at Divine Adili matapos na umanoy nalunod habang isinagawa nila ang team building sa isang resort sa Aurora.