
Aabot sa halos 355,000 na mga rehistradong mangingisda ang inaasahang makikinabang sa Philippine Fisheries and Coastal Resiliency (FishCoRe) Project ng administrasyong Marcos.
Layon ng proyekto na matugunan ang mga problema sa sektor ng pangingisda, kabilang ang pagpapababa sa antas ng kahirapan at pagtiyak ng food security.
Suportado ni Pang. Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. ang FishCoRe dahil nakikinabang dito ang “poorest of the poor” na mga mangingisda sa 24 na lalawigan sa buong bansa.
Bukod sa higit 26 na libong mga trabaho na lilikhain ng proyekto, inaasahang magpapataas din ito ng acquaculture production at imbak ng isda.
Inaprubahan ng National Economic and Development Authority (NEDA) ang P11.2 billion FishCoRe project.
Mula sa kabuuang halaga, P9.6 billion ay manggagaling sa official development assistance (ODA) ng World Bank, P660.6 million ay sasagutin ng gobyerno sa pamamagitan ng BFAR, at ang natitirang P1.16 billion ay magmumula sa pribadong sektor.










