-- Advertisements --

DAVAO CITY – Sasampahan na ng kaso ang isang 47 anyos na lalaki kung saan narekober mula sa kanyang posisyon ang mga smuggled na mga sigarilyo na nagkakahalaga ng higit P27 milyong piso.

Agad na isinagawa ang operasyon matapos makatanggap ng impormasyon ang otoridad patungkol sa illegal na aktibidad ng suspek.

Nakilala ang suspetsado na si Tapsaren Alibasa, 47 anyos, residente ng Hagonoy Davao del Sur. .

Narekober sa kanyang posisyon ang mga pakete ng Hoodlum Brand ng sigarilyo.

Nakuha rin ng otoridad ang .45 Caliber pistol na puno ng bala.

Sinasabing nasa 690 na mga karton ng iba’t-ibang brand ng smuggled cigarettes na nagkakahalaga P27,600,000.00 ang narekober.

Nasa kustodiya ngayon ng Hagonoy Municipal Police station ang suspetsado.