ILOILO CITY – Lumobo na sa higit 200 ang mga naarestong raliyesta sa nagpapatuloy na climate change protest sa London, United Kingdom.
Ayon kay Bombo International Correspondent Ramil Isogon direkta sa United Kingdom, ang mga aktibista ay umakyat sa oil tanker sa central London dahil sa pagtutol sa pag-invest ng bansa sa fossil fuel.
Ang nasabing hakbang ang paraan ng bansa matapos nagdesisyon na itigil ang pag-import ng langis sa Russia bilang sanction sa nagpapatuloy na pang-aatake sa Ukraine.
Kabilang sa Extinction Rebellion climate activism group at mga naaresto ang dalawang Olympic gold medalist na sina Etienne Stott at Laura Baldwin.
Inaasahan naman ng Extinction Rebellion na libo-libo katao pa ang sasama sa protesta sa Hyde Park sa London.