-- Advertisements --
tagaytay picnic groove Taal

Bagamat aminado ang city government ng Taal na may pagdududa pa rin ang mga local at foreign tourist na pumunta sa Tagaytay City ay nagsimula na ang mga nagmamay-ari ng mga establisyimento na muling magbukas matapos ang halos dalawang linggo mula nang mag-alburuto ang bulkang Taal.

Ang Tagaytay ay isa sa mga naapektuhan ng ash fall noong pumutok ang bulkan noong Enero 12 kaya napilitan ang mga itong magsara.

Pero matapos ang 13 araw, nasa 131 na ang mga establisimiyento ang nagbukas.

Kasunod na rin ito ng cleanup efforts para matanggal ang mga abong bumalot sa ilang mga establisimiyento na labis na nakaapekto sa mga negosyante.

Kabilang sa mga nagbukas ay ang mga restaurants, hotels at breakfast establishments.

Una ritol, tiniyak ng Department of Tourism (DoT) na handa silang umayuda sa pagbangon ng mga tourism establishments na naapektuhan ng pagsabog ng bulkang Taal sa oras na kumalma na ang sitwasyon.

Ayon kay DoT Sec. Bernadette Romulo-Puyat, patuloy ang kanilang koordinasyon sa iba’t ibang mga ahensya ng gobyerno, partikular sa National Economic and Development Authority (NEDA) na siyang namamahala sa recovery program.