-- Advertisements --
ILOILO CITY – Umaabot sa 142 kasapi ng New People’s Army (NPA) ang na-neutralize ng 3rd Infantry Division ng Philippine Army sa Western Visayas sa buong 2021.
Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Capt. Kim Apitong, spokesperson ng 3rd Infantry Division ng Philippine Army, sinabi nito na sa nasabing numero, 71 dito ang sumuko, 49 ang napatay sa mga sagupaan, 22 ang nahuli.
12 naman na nahuling mga rebelde ang mga matataas na lider ng NPA.
Patuloy naman ang panawagan ng militar sa mga rebelde na sumuko na sa panig ng gobyerno.