-- Advertisements --

Kabuuang 1,957,000 doses ng AstraZeneca COVID-19 vaccine na binili ng private sector ang dumating sa Pilipinas ngayong Linggo ng gabi.

Ang karagdagang vaccine supply na ito ay dumating sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 pasado alas-7:00 ng gabi.

Sa ngayon, mahigit 105,343,314 doses na ng COVID-19 vaccines ang naituturok ng pamahalaan.

NAsa 47 million katao naman ang fully vaccinated na kontra COVID-19.

Samantala, 1,369,432 Pilipino naman ang nakatanggap na ng kanilang booster shots.