-- Advertisements --

Pasado na sa Senado ang Senate Bill 1563 o Height Equality Act para sa mga kadete na nais pumasok sa Philippine National Police (PNP), Bureau of Jail Management and Penology (BJMP), Bureau of Fire Protection (BFP) at mga tauhan ng Bureau of Corrections (BuCor).

Sa bilang ng boto na 23 na pumabor at wala kahit isang tumutol, naaprubahan ang mas mababang height requirement para sa mga trainee.

Batay sa panukala ni dating PNP chief at ngayon ay Senate committee on public order chairman Sen. Ronald “Bato” dela Rosa, papayagan na sa hanay ng mga binanggit na serbisyo ang may taas na 5’2″ para sa mga lalaki at 5’0″ naman para sa mga kababaihan.

Layunin umano ng bill na mabigyan ng tyansa ang mga kabataang Filipino na mabigyan ng pagkakataon kahit mas mababa sila kaysa sa 5’4″ na dating kinakailangan.