-- Advertisements --

Nalungkot ang netizens nang ilahad ni Heart Evangelista ang dinanas nito na pang-apat na miscarriage at pagkawala ni Baby Francis.

Kasabay ng pagdiriwang ng Mother’s day kahapon, nag-post si Heart ng kaniyang handwritten message at sinabing handa umano siya na makita at iluwal ang kaniyang anak ngunit hindi inaasahan ay bigla na lamang huminto ang pintig ng puso nito.

Itinuturing naman ng aktres na na isa sa kaniyang biggest heartbreak ito ngunit nagpapasalamat pa rin siya sa kaniyang baby boy dahil sa kahit saglit na panahon ay ipinaramdam daw sakaniya nito ang pagmamahal.

Samantala, nagpaabot naman ng pakikidalamhati ang publiko at maging ang kaniyang kasamahan sa showbiz matapos na mabalitaan ang malungkot na nangyari.