Itinanggi ng Hamas na mayroong na silang natanggap na bagong peace proposal.
Ayon kay Basem Naim ang senior member ng Hamas political wing na patuloy pa rin na pinaplantsa ng mga negotiators ang nasabing peace proposal.
Kasalukuyan aniyang nagpupulong pa ang mga mediators na pinamumunuan ng Qatar, US, Turkey, Egypt at Saudi Arabia.
Ilan sa mga nabanggit na laman ng proposal ay ang permanenteng tigil-putukan, tulong sa populasyon ng Gaza, pagpapalaya sa mga bihag ng Hamas ganun din sa mga Palestinian prisoners ng Israel.
Pagtitiyak naman niya na handa silang pag-aralan ang nasabing proposal.
Hindi niya maituturing na isang pressure sa Israel at Hamas ang naging pahayag ni US President Joe Biden na pagdating ng Lunes ay magkakaroon na ng permanenteng tigil putukan.