-- Advertisements --
Pinoproseso na ng Department of Budget and Management (DBM) na maipalabas ang natitirang P1.9 billion calamity fund na hindi pa nagagamit.
Ang nasabing halaga ay ilalaan sa mga naapektuhan ng magkakasunod na bagyong Quinta, Rolly at Ulysses.
Sinabi ni Budget Sec. Wendell Avisado, nasa P3.6 billion sa 2020 National Disaster Risk Reduction and Management fund ang hindi pa nagagamit.
Ang P1 billion dito ay mapupunta sa mga proyekto ng Department of Public Works and Highways (DPWH).
Nasa P182 million naman ang dederetso sa Office of Civil Defense, habang P1.9 billion ang maaaring ibuhos sa mga nasalanta ng sunod-sunod na kalamidad.