-- Advertisements --

Aabot sa 69 katao ang nasawi dahil sa malawakang pagbaha at landslide sa Iran.

Ayon sa Crisis Management Organization ng Iran na mayroon pang 45 katao mula sa Tehran ang nawawala.

HIndi rin bababa sa 20,000 kabahayan ang nasira dahil sa ilang araw na malalakas na pag-ulan.

Mahigit 20 probinsiya kabilang ang Teharn ang apektado ng nasabing baha.

Pinapatiyak naman ni Iranian President Ebrahim Raisi sa kaniyang mga opisyal na gumawa ng hakbang para maging hindi gaano ang pinsala ng nasabing pagbaha.

Malaki naman ang paniniwala ng mga eksperto na dahil sa climate change kaya naganap ang nasabing malawakang pagbaha.