-- Advertisements --

Nasa 287 na mga mag-aaral ang dinukot ng mga armadong kalalakihan sa northwestern Kaduna sa Nigeria.

Lulan ng mga motorsiklo at mga van ng lusubin ng mga armadong suspek ang LEA Primary and Secondary school sa Kuriga village sa Chikun district.

Unang nakuha ng mga armadong suspek ay mahigit 300 na mga kabataan subalit ang ilan ay nailigtas na ng mga kapulisan kaya natira lamang ang 287 na mga bata.

Ayon kay Kaduna Governor Uba Sani na ginagawa nila ang lahat ng mga makakaya para mailigtas ang mga biktima.

Kinondina ito ng Amnesty International sa Nigeria at hinikayat ang lokal na gobyerno na agad na gumawa ng karampatang hakbang.