Umaabot na sa halos 2.5 million botante ang nagparehistro para sa 2025 midterm elections.
Ayon kay Comelec spokesman John Rex Laudiangco, nakatanggap ang poll body ng 2,473,922 applications simula ng umpisahan ang voter registration noong Pebrero.
Mas marami aniyang mga kwalipikadong botante ang nagpaparehistro dahil sa pagtaas ng kamalayan ng mga ito sa kahalagahan ng karapatang bomoto.
Sa records ng poll body, ang Calabarzon ang nakapagtala ng pinakamataas na bilang ng mga nagparehistro na nasa 453, 313.
Sinundan ito ng National Capital Region na mayroong 367,869 at Central Luzon na mayroon namang 286, 190.
Sumunod ang Central Visayas, Davao Region at Western Visayas.
Pinakakaunti namang nagparehistro ay sa Cordillera Autonomous Region at sinundan ng Mimaropa.