-- Advertisements --

Inanunsiyo ni Senegal President Macky Sall na matutuloy na ang halalan nila sa Marso 24.

Ang nasabing anunsiyo ay kasunod ng naganap na tensiyon noong nakaraang buwan ng ipagpaliban ang halalan.

Dahil sa nasabing pagpapaliban ng halalan ay nagdulot ito ng malawakang kilos protesta.

Iginiit nito na wala itong balak na tumakbo muli sa pagkapangulo kapag natapos na ang kaniyang termino sa Abril 2.

Inakusahan din siya ng kaniyang mga katunggali sa pulitika na nagbabalak ito na bumuo ng constitutional coup.

Ang Senegal kasi ay siyang tanging bansa na wala pang nagaganap na military kudeta.