CAUAYAN CITY- Anggulong away sa pamilya ang motibo sa naganap na tangkang pamamaril na nauwi sa agawan ng baril sa Purok 4, brgy. Cumabao, Tumauini, Isabela.
Ang biktima ng pamamaril ay si Johnny Jimenez,27 anyos, binata, security guard habang ang suspek ay si Francisco Bartolome, 30 anyos, binata, laborer, kapwa mga residente ng nabanggit na barangay.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Police Major Eugenio Mallinllin, Acting Chief of Police ng Tumauini Police Station na matagal na umanong may alitan sa pagitan ng suspek at biktima.
Ayon kay Police Major Mallillin na dahil sa away pamilya at tumitindi ang pagtatalo tuwing nagkikita ang dalawa.
Aniya, bago maganap ang pamamaril ay nagkasama ang dalawang sa isang inuman at dito muling nagkaroon ng mainitang pagtatalo sanhi upang bumunot ng baril ang supek at tinutukan ng baril ang biktima
Ayon pa sa hepe ng pulisya, nakipag-agawan ang biktima sa baril ng suspek noong itinutok sa kanya ang baril na nagresulta upang madaplisan ng bala ng baril ang biktima sa kaliwang palad nito.
Nakuha sa pag-iingat ng suspek ang Cal, 38 na baril na may tatlong bala.
Desidido ang biktima na sampahan ng kaso ang suspek.