-- Advertisements --
Isinapubliko ngayon ng Inter-Agency Task Force on the Management of the Emerging Infectious Diseases (IATF) ang general guidelines ng Revised Interim Guidelines on Expanded Testing for COVID-19.
Sa virtual presser ni Cabinet Secretary Karlo Nograles na siya ring spokesman ng IATF, lahat ng mga “at-risk” na mahahawaan ng COVID-19 infection ay mapapasama na sa expanded testing gaya ng (1) suspect cases; (2) mga tao na galing byahe o may nakasalamuha na taong may Covid-19, may simtomas man o wala; o (3) mga health workers na may posibleng exposure sa taong may Covid-19, may simtomas man o wala.
Nilinaw naman ni Sec. Nograles na hindi nila inirerekomenda ang indiscriminate testing sa mga wala namang close contact sa mga COVID-19 positive.