-- Advertisements --

Muling inihihirit ng Alliance of Concerned Teachers (ACT) Philippines na agad na aksyunan ang panukalang pagtataas ng sahod ng mga empleyado at manggagawa matapos na malagpasan pa ang projection ng gobyerno sa inflation rate o ang pagsirit ng presyo ng mga bilihin sa bansa.

Iginiit ni ACT chairperson Vladimer Queta na panahon na para i-certify as urgent ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang panukalang batas sa wage hike .

Hindi din naiwasang kwestyunin ni Queta ang benepisyo ng madalas na biyahe ng Pangulo sa ibang bansa para sa ekonomiya ng ating bansa.

Dagad na rin aniya ang paghihigpit ng sinturon ng mga manggagawa sa gitna ng mataas na presyo ng mga bilihin kayat napapanahon na ang pagtatas ng sahod.

Ngayong araw, iniulat ng Philippine Statistics Authority (PSA) na umakyat pa sa 8.7% ang inflation nitong nakalipas na Enero 2023, lagpas sa nakaraang peak ng inflation na 8.1% nokng Disyembre 2022.