-- Advertisements --

Suportado ng grupo ng mga employers sa bansa ng bahagyang pagpapaluwag ng Luzon-wide lockdown na ipinatupad para hindi na kumalat pa ang coronavirus.

Ayon sa Employers Confederation of the Philippines (ECOP) na dapat maghanap ang gobyerno ng paraan para payagan ang mga industriya at negosyo na ituloy ang kanilang operasyon para maibsan ang bigan sa ekonomiya at government resources.

Sinabi naman ni ECOP President Sergio Ortiz, na ang ‘calibrated easing’ ay posible kapag ipinatupad ang mass testing at paghihiwalay sa mga tao na nagpositibo sa novel coronavirus.

Nanawagan din ito sa mga local government units lalo na sa Metro Manila na maglaan ng quarantine facilities para doon na ilagay ang mga tao na nagpositibo sa virus.