-- Advertisements --

Handa ang pamahalaan sa pagbibigay ng social amelioration para sa mga mahihirap na pamilyang Pilipino sakaling mapalawig pa ang enhanced community quarantine dahil pa rin sa banta ng COVID-19 pandemic.

Pahayag ito ni House Committee on Ways and Means chairman Joey Sarte Salceda matapos niyang irekomindang palawigin pa ng dalawang linggo ang enhanced community quarantine sa buong Luzon, na nakatakdang matapos sa Abril 14.

Sinabi ni Salceda na sa ilalim ng Bayanihan to Heal as One Act, dalawang buwang bibigyan ng P5,000 hanggang P8,000 cash assistance ang mga mahihirap na pamilyang Pilipino sa gitna ng krisis dulot ng COVID-19.

Kaya naman walang problema aniya sakaling matuloy man ang extension ng enhanced community quarantine ng dalawa pang linggo.

Nauna nang sinabi ni Salceda na mauuwi lamang sa wala ang progress sa paglaban sa COVID-19 kung premature ang pagtanggal sa enhanced community quarantine.