-- Advertisements --
Lucy Torres 3
@lucytgomez “A summer in November.”

Umaani ng kilig na reaksyon mula sa mga netizen ang palitan ng mensahe ng mag-asawang Lucy Torres at Richard Gomez sa Instagram.

Ito’y kasunod ng pilyong komento ng 54-year-old actor turned mayor, sa bibihirang sexy picture ng kanyang 45-year-old wife.

Hirit kasi ni “Goma” sa larawan kung saan nakakulay blue na one piece swimsuit ang kanyang “honey,” ay pauwi na raw siya.

Game namang sumagot ang actress turned congresswoman, na hinihintay niya ang mister.

Sa caption ni Lucy, nasa “summer mood” na siya kahit ito ay malayo pa.

Taong 1998 nang ikinasal sina Richard at Lucy sa sa Ormoc, at nabiyayaan ng unica hija matapos ang dalawang taon.