-- Advertisements --

Inilagay ng Games and Amusement Board (GAB) sa blacklist ang Global Football Club dahil sa hindi pagbabayad ng pasahod ng mga manlalaro at empleyado nito.

Ang nasabing desisyon ay inilabas noong Setyembre 9 at mabibigyan pa ng pagkakataon ang koponan na magpaliwanag.

Pagpapaliwanagin nila si Global FC at team manager Mark Javis sa nasabing kaso.

Sinabi ni GAB chairman Baham Mitra, na bagamat ikinalulungkot nila ang desisyon ay nararapat lamang itong gawin para na rin sa kapakanan ng mga empleyado at manlalaro.

Umaabot kasi sa mahigit P5 million ang hindi nababayarang pasahod ng Global FC sa mga empleyado at manlalaro nito.