-- Advertisements --

Tinambakan ng Gilas Pilipinas U-18 Women ang Team Vietnam ng 51 big points sa FIBA U18 Women’s Asia Cup SEABA Qualifiers 2026.

Kontrolado ng PH team ang kabuuan ng laban kung saan sa unang quarter ay nagawa nitong magposte ng 5-point lead, 19-14.

Pagpasok ng 2nd quarter, gumawa ang Gilas Women ng 26-7 rin para dalhin ang score sa 45-21.

Hindi na nakabawi pa ang Vietnam mula dito hanggang sa tuluyang tapusin ng Gilas ang laban sa score na 93-42.

Lahat ng Gilas player ay nakagawa ng score sa naturang laban sa pangunguna ni Tiffany Reyes na kumamada ng 14 points sa loob lamang ng maikling panahon na kaniyang pananatili sa hardcourt.

Si Reyes din ang nanguna sa 2nd-quarter run ng PH team sa pamamagitan ng impresibong opensa.

Isang all-around performance din ang ginawa ng Pinay shooter na si Rhiane Perez na gumawa ng 16 points sa kabuuan ng laban. Nagbulsa rin siya ng 7 rebounds, at apat na steals.

Ito ang unang laban ng Pilipinas sa naturang qualifier ngunit sa ngayon ay kwalipikado na ito sa Asia Cup proper.