-- Advertisements --

Pasok na sa main draw ng FIBA 3×3 Asia Cup ang Gilas Pilipinas.

Ito ay matapos na malusutan nila ang Thailand 17-15 sa laor na ginanap sa Singapore.

Naging susi sa panalo ng Gilas si Jerrick Ahanmisi matapos maipasok nito ang crucial two-points shot.

Nakuha ng Pilipinas ang unang kalamangan 15-9 matapos ang layup ni Chris Yoon sa natitirang tatlong minuto ng laro.

Nailapit ng Thais ang kalamangan sa dalawa matapos ang pagpasok ng apat na sunod na tira ni Sean Alter Nakahanap ng tiyansa si Ahanmisi para tuluyang ilayo ang kalamangan 17-13 sa natitirang 1:18 na oras.

Dahil dito ay na-sweep ng Gilas ang Qualifying Draw A matapos ang panalo sa Maldives sa score na 21-16.

Habang kahit na nadomina ng Thailand ang Maldives 21-11 ay hindi naman sila nakapasok sa main draw ng torneo.