-- Advertisements --

Nagtungo na sa Estonia ang Gilas Pilipinas para sa pagsasagawa nila ng tune-up games ilang linggo bago ang pagsisimula ng FIBA Basketball World Cup sa Agosto.

Mayroon lamang 12 mga manlalaro ang dumalo sa nasabing tune-up games.

Ilan sa mga hindi nakasama sa sina Bobby Ray Parks at Jordan Heading na kasalukuyang nagpapagaling ng kanilang mga injuries.

Ganun din sina Roger Pogoy at Calvin Oftana na maaga pa lamang ay tumanggi ng lumahok sa national squad.

Ang mga nabanggit rin na manlalaro ay hindi na rin dumalo sa isinagawang apat na araw na closed-door camp ng Gilas sa Laguna.

Ilan lamang sa mga manlalaro na dumalo ay sina Japeth Aguilar, Chris Newsome, Scottie Thompson, June Mar Fajardo, Jamie Malonzo, Kiefer Ravena, Dwight Ramos, Thirdy Ravena, Poy Erram, AJ Edu, Rhenz Abando, at CJ Perez.

Susunod naman sa Estonia sina Justin Brownlee at Ange Kouame habang hindi naman maaaring makadalo sina Kai Sotto at Jordan Clarkson.

Bukod sa Estonia ay makakalaro ng Gilas ang ilang European team bilang paghahanda para sa World Cup.