-- Advertisements --

Nakatuon na ngayon ang focus ng Gilas Pilipinas sa India at New Zealand isang araw sa pagsisimula ng 2023 FIBA World Cup Asian qualifiers.

Ito ay matapos ang pag-atras ng South Korea sa nasabing torneo dahil sa pagkakahawa ng COVID-19 ng ilang mga miyembro nila.

Sinabi ni Gilas Pilipinas coach Chot Reyes isa ang South Korea na kanilang lubos na pinaghandaan sa nasabing torneo.

Subalit paglilinaw nito ay hindi nila minamaliit ang dalawang koponan kaya tuloy-tuloy ang kanilang ginagawang ensayo.

Lahat aniya ng 15 miyembro ng basketball national team ng bansa ay nagnegatibo na sa COVID-19.

Binilinan nito ang mga manalalaro na pagtuunan ng pansin ang mga kaya nilang makontrol ngayon at dapat ay nakahanda sila sa kalusuga at anumang balakid na kanilang kakaharapin sa torneo.