-- Advertisements --
Nakaligtas mula sa magnitude 7.8 na lindol si Ghana national football player at dating Newcastle midfielder Christian Atsu.
Kinumpirma ni Ghana ambassador to Turkey Francisca Ashietey-Odunton ang pagkakaligtas ni Atsu.
Hindi naman na ito nagbigay pa ng anumang impormasyon ukol sa kalagayan ng 31-anyos na football player.
Unang naiulat kasi na kasama si Atsu sa mga natabunan dahil sa malakas na paglindol.
Magugunitang umabot na sa mahigit 7,000 katao ang nasawi dahil sa nangyaring paglindol sa Turkey at Syria.