-- Advertisements --

Wala nang balak si Geneva Cruz na magparetoke muli sa iba pang bahagi ng kanyang katawan.

Pahayag ito ng 44-year-old multi-platinum singer/actress kasunod ng pagbabalik-tanaw noong ipaayos ang kanyang ilong kasabay ng pagbunyag na na-bully kasi siya noong baguhan pa sa mundo ng show business.

Ayon kay Geneva, 16-anyos lamang siya noong magparetoke at natutunan niya na rin namang mahalin ang bagong hubog ng ilong sa loob ng 28 taon.

Tanging ilong lang daw niya ang pinatangos, ngunit pareho pa rin ang kanyang mabuting kalooban.

“Trolls loved to hurt me coz I was timid; they didn’t know how else they could hurt me so they made my old nose a target,” bahagi ng caption nito sa kanyang throwback o mga lumang larawan.

Pagtatapos nito, “I am enough and I’m grateful. 🙏🏼💗”

https://www.instagram.com/p/CHEll1wjCFN/

Kung maaalala, noong nakaraang buwan lang nang umani ng iba’t ibang reaksyon ang singer na si Janine Berdin matapos aminin na nagpaayos din ng ilong.

Giit ni Berdin, tanging ilong niya ang kanyang pina-enhance at hindi kasama ang dibdib.

“Since biggest insecurity ko po talaga ‘yung nose ko, ‘yon po ‘yung pina-enhance ko, ‘yung nose ko lang po,” saad nito sa panayam ni Vice Ganda.