Nagpaabot na ng kanyang Christmas greeting si 2019 Miss Universe Philippines Gazini Ganados sa mga kababayan sa bansa.
Ito’y habang siya ay nasa Amerika kung saan sinalubong ang Pasko kasama ang pamilya at kaanak.
Ngayong araw naman ay sa Amerika rin ipinagdiriwang ni Gazini ang kanyang 24th birthday kasabay ng pagbahagi sa makabuluhang pagtatapos ng 2019.
“As I turn 24 today 💥, I am so thankful and looking forward to another year!
.. If there is one thing I learned, it is to always celebrate your personal victories because no one else understands what it took to accomplish them. 🙏🏼 Can’t wait to be back home soon to continue my job and fulfill my missions ❤️🇵🇭” bahagi ng caption ni Ganados sa latest picture
Kung maaalala, naniniwala si Gazini na hindi pa niya nararanasan ang “best days” ng kanyang buhay matapos bigong maibigay sa bansa ang back to back win sunod kay Catriona Magnayon Gray sa 2019 Miss Universe coronation.
Una nang inihayag ng Cebuana-Palestinian beauty na tubong Zamboanga, na maaaring hindi siya nagtagumpay sa Miss Universe ngayong taon pero mananatili ang kanyang advocacy na nakasentro sa mga senior citizens.