Posible umanong maghain ng motion for reconsideration ang kontrobersiyal na abogado at natalong senador na si Larry Gadon matapos suspendehin ng Supreme Court (SC) dahil sa kanyang pagmumura.
Pero ayon kay Gadon, hindi pa raw niya natatanggap ang kopya ng resolusyon na nagsususpindi sa kanya ng tatlong buwan.
Iginiit naman niyang hindi dapat maapektuhan ang mga kasong kanyang hinahawakan lalo na ang Bikoy case dahil sa suspension order.
Paliwanag niya, ang PNP-Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) naman ang nagsampa ng kaso at siya ay nagsisilbing counsel lamang ni Peter Jomel Advincula.
Una rito, sa resolusyong may petsang Hunyo 26, sinuspindi ng SC Second Division si Gadon dahil umano sa paggamit nito ng “abusive” at “intemperate language” sa isang doktor at kapwa nito abogado.
Naniniwala ang kataas-taasang hukuman na pinapababa ni Gadon ang tiwala ng publiko sa Philippine Judiciary system dahil sa kanyang pagmumura.