-- Advertisements --

Tila kontento na si Gabbi Garcia sa career nito bilang aktres at recording artist sa mundo ng show business.

Ito’y kasunod ng pagbunyag na kanya pa lang pangarap noong bata pa ay maging tanyag bilang beauty queen.

Ayon kay Gabbi o Gabriella Louise Ortega Lopez, 15-years-old pa lamang siya noong makapasok sa showbiz industry at mahirap nang isuko para sa kanyang childhood dream.

Dagdag ng ngayo’y 21-year-old actress, kung papasukin kasi ang beauty pageant ay dapat walang ano mang kontrata sa iba pang organisasyon.

“Dapat as in wala kang contract with a brand or anything and at this stage of my life it’s so hard to give up,” saad ni Gabbi.