-- Advertisements --
Nagpalabas na rin ang Court of Appeals (CA) ng freeze order sa mga assets ng Satarah Wellness Marketing.
Kaugnay ito ng sinasabing pagkakasangkot ng nasabing kumpanya sa large-scale investment scam.
Una nang naghain ng petisyon ang Anti-Money Laundering Council (AMLC) sa pamamagitan ng Office of the Solicitor General (OSG).
Bukod sa Satarah Wellness Marketing, una na ring ipinag utos ng CA ang pag-freeze sa properties ng KAPA religious organization na pinamumunuan ni Pastor Joel Apolinario.