-- Advertisements --
image 195

Nahatulan ng guilty ang former film producer na si Harvey weinstein ng tatlo sa pitong mga kaso sa kanya, kabilang na ang rape at sexual abuse.

Ayon sa mga humahawak ng kaso, ginamit umano ng film maker ang impluwensya nito sa hollywood para akitin ang mga babae at dalhin sa mga private places..

Nahaharap siya sa posibleng sentensiya ng 24 years sa bilangguan.

Samantala,may tatlo pang kaso kaugnay rin sa rape at sexual abuse na nauugnay sa ilang modelo at aktres at may ilan pang lumilitaw. Nagpapatuloy naman ang imbestigasyon laban sa ilan pang kaso ng former film maker.