-- Advertisements --
image 249

Nag-ambag ang halos walang pigil na operasyon ng mga dayuhang sasakyang pangisda sa karagatan ng Pilipinas sa pagbaba ng produksyon ng pangisdaan sa bansa noong 2022, ayon sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR)

Sinabi ni BFAR national director Demosthenes Escoto kinailangang harapin ng mga mangingisdang Pilipino ang mga dayuhang kakumpitensya na karaniwang nasa mas malaki at mas mahusay na kagamitang sasakyang-dagat

Bagama’t hindi niya tinukoy ang nasyonalidad ng mga dayuhang mangingisda, alam ng karamihan na ang mga Tsino ang pinakamalaking trespassers sa karagatan ng Pilipinas.

Dagdag ng opisyal, mayroong National Task Force on West Philippine Sea na kung saan sa bahagi ng BFAR, ang pangunahing layunin ay agad na matugunan ang kanilang mga alalahanin sa pamamagitan ng mga interbensyon upang maibsan sa kahirapan ang mga Pilipinong mangingisda.

Batay sa datos ng Philippine Statistics Authority (PSA), bumaba ng pitong porsyento ang output ng fisheries sa West Philippine Sea noong 2022 sa 275,872 metric tons ng isda mula sa 295,332 MT noong 2021.

Ang kabuuang output ng pangisdaan sa West Philippine Sea ay kumakatawan sa 6.36 % ng kabuuang produksyon ng bansa noong 2022.