-- Advertisements --

Humingi ng paumanhin si football star Neymar sa buntis nitong kasitahang si Bruna Biancardi dahil umano sa pangangaliwa.

Sa kaniyang social media account ay isinagawa nito ang public apology at sinabing siya ay nagkamali.

Dagdag pa nito na nakakagawa siya ng mga pagkakasala subalit ito ay kaniyang nareresolba naman ng mag-isa sa kanilang bahay.

Nagpost pa ang 31-anyos na Paris Saint-Germain (PSG) player ng larawan nila ng nobya at may caption ng labis nitong pagsisisi.

Paglilinaw nito na una na itong humingi ng paumanhin ng pribado at pinili niyang isapubliko ang paghingi nito ng paumanhin.