-- Advertisements --

Inilabas ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) ang final roster ng Gilas Pilipinas na makikilaban sa Window 3 ng 2027 FIBA Basketball World Cup Qualifiers.

Nakatakda sa July 3 at July 6 ang unang dalawang laban ng naturang roster na kinabibilangan ng mga sumusunod: RJ Abarrientos, Justine Baltazar, Justin Brownlee, AJ Edu, June Mar Fajardo, Chris Newsome, Mike Phillips, Kevin Quiambao, Dwight Ramos, Troy Rosario, Carl Tamayo at Scottie Thompson.

Sa ilalim ng Asian Qualifiers na nakatakda mula June 29 hanggang July 7, 2026, tatlong lugar ang magsisilbing venue sa mga nakatakdang laro.

Kinabibilangan ito ng Spark Arena sa New Zealand kung saan dito gaganapin ang laban sa pagitan ng Tall Blacks (NZ national team) at ng Pilipinas at Tall Blacks kontra Guam.

Ang ibang laro ay nakatakda sa Jordan, Qatar, at iba pang bansa.