-- Advertisements --
Pormal ng kinilala ng USA Basketball Team bilang bagong head coach nila si Filipino-American at Miami Heat coach Erik Spoelstra.
Mismong si US men’s national team director Grant Hill ang pumili at inaprubahan ito ng board of directors ng USA Basketball.
Ang USA Basketball Team kasi ay mayroong 17 Olympic titles ganun din limang FIBA World Cup titles.
Ang 54-anyos na si Spoelstra ay naging assistant coach na ng USA Basketball team sa Paris Olympics at assistant siya ni Steve Kerr noong US 2023 World Cup.
Naging susi din si Spoelstra ng makuha ng Heat ang kampeonato noogn 2012 at 2013.
Bukod sa pagiging head coach ng USA Basketball Team sa USA Olympics sa 2028 ay magiging coach din ito sa 2027 FIBA World Cup na gaganapin sa Doha, Qatar.