-- Advertisements --
Muling nakatikim ng pagkatalo ang Filipina5 sa FIFA Futsal World Cup 2025 sa kamay Morocco 3-2.
Tanging sina Inday Tolentin at Catherine Graversen ang nagtala ng makasaysayang goal para sa World Cup sa laro na ginanap sa Philsport Arena, Pasig City.
Sa unang bahagi ay hawak na ng pambato ng bansa ang kalamangan 2-0 subalit hindi nila nakontrol ang Morocco na may mataas na ranking.
Bago ang pagtatapos ng halftime ay nakapuntos ang Morocco.
Pagdating naman ng second half ay doon na umarangkada ang World 31 na Morocco.
Dahil sa talo ay mayroon ng -7 na goal difference ang Nationals at susubukan nilang maibangon ang isang laban sa paghaharap nila ng world number 6 na Argentina sa araw ng Huwebes, Nobyembre 27.
















