-- Advertisements --
Makikipagpulong ang Federation of Filipino Chinese Chambers of Commerce and Industry Inc. (FFCCCII) kay vaccine czar Carlito Galvez para makagawa na ng tripartite agreement sa pagbili nila ng bakuna.
Ayon kay FFCCII chairman Francis Chua, na magsisimula na silang mangolekta ng pera sa kanilang miyembro para sa binili nilang COVID-19 vaccine na gawa ng China na Sinovac Biotech.
Sakaling nagkaroon na ng tripartite agreement sa pagitan nila ng gobyerno ay hihintayin na nila ang pag-apruba ng health department ng China para sa pagpapadala na ng bakuna sa bansa.
Una nang pumirma ang grupo ng kasunduan sa Sinovac Biotech para sa pagbili nila ng 500,000 doses ng bakuna na nagkakahalaga ng P325 million.