-- Advertisements --

Nais ng federal prosecutors na makulong ng hanggang anim buwan ang dating top adviser ni ex-US President Donald Trump na si Steve Bannon dahil sa contempt of Congress.

Bukod pa dito ay pinagmumulta siya ng $200,000 na multa.

Hindi kasi ito nag comply sa probation office sa kanilang pre-sentencing investigation.

Sinasagot umano ni Bannon ang mga tanong patungkol sa kaniyang trabaho, pamilya at professional life, personal background at kalusugan.

Pero pagdating sa financila record ay tikom ang bibig niya at handang bayaran ang anumang multa.

Ang nasabing kasong kinakaharap ni Bannon ay may kaugnayan sa January 6 na paglusob ng mga supporters ni Trump sa US Capitol.