CAGAYAN DE ORO CITY – Hinikayat ni House Committee on Constitutional Ammendments chairman at Cagayan de Oro 2nd District Rep. Rufus Rodriguez si Pangulong Rodrigo Duterte na tuluyan nang sibakin si Bureau of Corrections (BuCor) Chief Nicanor Faeldon.
Ito ay kaugnay sa bagong kontrobersya na kinakasangkutan ni Faeldon sa pagpapatupad ng Good Conduct and Time Allowance (GCTA) na nagresulta sa paglaya ng maraming convicted criminals mula sa New Bilibid Prison (NBP).
Sinabi ni Rodriguez sa Bombo Radyo na hindi katanggap-tanggap ang akusasyon kay Faeldon na kabilang sa binigyang kalayaan ang apat na drug convict na Chinese nationals.
Kung maaalala, nakasaad sa Republic Act 10592 na hindi kasali ang convicted criminals na nakagawa ng “henious crimes” sa mapapalaya subalit salungat ito sa pinaggagagawa ng BuCor officials simula taong 2013.