Bakas ang excitement ng dating sexy actress na si Patricia Javier sa muling pagsabak niya sa isang international beauty pageant.
Ayon kay Javier, unang beses gaganapin sa Pilipinas ang Novel Queen of the Universe kaya labis din ang kanyang kasiyahan.
Sa kasalukuyan, si Patricia Javier ang reigning Mrs. Universe kaya siya ang pinili siya ng organizer na maging kinatawan ng bansa sa Novel Queen of the Universe na ang pangunahing adbokasiya ay edukasyon para sa mga kababaihan.
At kahit 40-years old na, nais daw nito na maging inspirasyon ng mga ina na katulad niya na alagaan at mahalin pa rin ang kanilang sarili.
“Dapat talaga hindi natin pinababayaan ang ating sarili. Dapat po mas lalo natin alagaan ang ating sarili na para po sa ating mga anak at hindi porke mga mommy na tayo, wala na tayong pakiaalam,” saad nito.
Sa November ngayong taon, inaasahan na darating sa Pilipinas ang mga kandidata na lalaban sa Novel Queen of the Universe.
Taong 1998 nang unang rumampa sa Binibining Pilipinas ang sexy star turned businesswoman, ngunit hindi ito pinalad na makapag-uwi ng korona.
Kabilang sa hit movies noon ni Javier ay ang “Gamitan,” “Ang Kabit ni Mrs. Montero,” at iba pa.