-- Advertisements --

Nagsampa ng kasong cyber libel sa Department of Justice si dating senador Francis Kiko Pangilinan laban sa isang Youtuber ganun din sa mga opisyal ng YouTube at Google Philippines.

Kaniyang inireklamo ang nasa likod ng Bungangera TV kung saan naglalaman ito ng mga malisyosong videos na may libelous content laban sa kaniya at pamilya nito.

Dagdag pa nito na ang nasabing video ay sumisira sa kaniyang pagkatao kung saan inaakusahan siyang inaabuso niya umano ang kaniyang asawa at mga anak.

Dahil dito ay nasira ang kaniyang magandang pangalan, reputasyon at career bilang public servant.

Nagdulot din aniya ito ng matinding anxiety at stress sa kaniya at kaniyang pamilya.

Ipinaliwanag din nito kung bakit niya isinama ang YouTube at Google sa reklamo niya dahil sa alegasyon ng hindi pag-aksyon sa makailang ulit na reklamo niya mula ng mai-upload ang video noon pang Disyembre ng nakaraang taon.

Naniniwala ang dating senador na inilabas ang video bilang paninira sa balak nitong muling pagtakbo sa 2025 elections.

Sa panig naman ng Google na kanilang pinag-aaralan pa ang nasabing reklamo.