-- Advertisements --

Hinatulang makulong ng 10 taon si dating Pakistan Prime Minister Imran Khan.

May kaugnayan sa kaso nitong pagpapakalat ng mga sekretong dokumento ng estado.

Naganap ang pagdinig sa Adiala Jail sa Rawalpindi kung saan nakakulong na si Khan at dating foreign minister nito na si Sha Mehmood Qureshi dahil sa kasong kurapsyon.

Ayon sa political party nito na Pakistan Tehreek-e-Insaf (PTI) nahatulan and dalawa ng 10 taon at walang access sa media o publicko sa Cypher case.

Tiniyak naman ng mga abogado nito na kanilang iaapela ang nasabing kaso.

Una ng sinabi ni Khan na ang pagpapatalsik sa kaniya ay dahil sa pakikipagkutsabahan ng mga mambabatas para tuluyan siyang mawala sa pulitika.