-- Advertisements --

Nagpasalamat si Brian Austin Green sa suportang natatanggap sa gitna ng divorce nila ni Megan Fox.

Una rito, hayagang inalmahan ng tinaguriang Hollywood babe ang Halloween post ng 47-year-old actor kung saan kasama ang kanilang tatlong anak.

Ayon sa 34-year-old “Transformers” actress, laging ibinabalandra ni Green ang tila pagiging maalagang ama nito sa kanilang anak na tila ba siya itong lumalabas bilang “absent mother.”

“I know you love your kids. But I don’t know why you can’t stop using them to posture via Instagram,” she wrote. “You’re so intoxicated with feeding the pervasive narrative that I’m an absent mother, and you are the perennial, eternally dedicated dad of the year. You have them half of the time. Congratulations you truly are a remarkable human!”

Kasunod nito, agad binura ng kanyang estranged husband ang larawan nilang mag-aama.

Taong 2004 nang magsimula ang love story ng dalawa na nauwi sa kasalan noong 2010, ngunit nagsimulang magkalabuan matapos ang limang taon.

Taong 2019 naman nang matuloy na sa divorce ang pagsasama nina Fox at Green na ngayon ay kapwa na-link na sa ibang tao.

Si Fox ay “in a relationship” na sa rapper na si Richard Colson Baker o mas kilala bilang si Machine Gun Kelly.

Habang si Green naman ay nauugnay sa internet star na si Courtney Stodden at modelong si Tina Louise. (OMG)