ILOILO CITY – Panalo sa 2022 elections ang buong angkan ni dating Health Secretary at ngayon Iloilo 1st district Rep. Janette Garin.
Si Rep. Janette ay panalo matapos nagpare-elect sa unang distrito sa lalawigan ng Iloilo.
Samantala panalo rin ang mister nito na si Engr. Richard Garin, bilang alkalde ng Miagao, Iloilo.
Sa panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Mayor Richard, nilinaw nito na hindi political dynasty ang tawag sa kanila sa halip ay public service.
Napag-alaman na ang mother in law ng dating kalihim na si Ninfa Garin ay panalo rin bilang mayor sa San Joaquin, Iloilo.
Ang mga sisters-in-law naman nito na sina Christine Garin ay panalo rin bilang Vice Governor sa Iloilo Province at Jennifer Garin Colada na panalo rin bilang mayor sa Guimbal, Iloilo.