-- Advertisements --
Ipinapanukala ngayon ng European Union executive Commission ang $825 billion recovery plan para matulungan ang kanilang miyembro ngayong panahon ng coronavirus pandemic.
Sinabi ni Commission President Ursula von der Leyen, na ang package ay sa pamamagitan ng grants at loans ng bawat EU member state.
Halos lahat ng 27-nation EU bloc ang naapektuhan ng COVID-19 pandemic at ilan pa dito ay may malaking utang na bago pa lamang magkaroon ng krisis.
Tinawag ng commission ang nasabing plano bilang Next Generation EU kahit na hindi ito sinusuportahan ng lahat ng 27 EU member states ay magpapatuloy pa rin ito.